Ask Me · Personal

Nominated: Mystery Blogger Award & Sunshine Blogger Award

Don’t be misled, non-blogging readers. This is not what you think it is. 😊

(Utang muna ang Davao video. Isingit natin ito before I fly-in again.)

Let me first thank Arlene, Mommy Jhem and Jeff for tagging me as one of those bloggers who fall under these award categories, or nangdamay lang talaga sila sa mala-chain letter keme na blogging culture na ‘to? Haha. In any case, it is my honor that you, guys, thought of me. Salamat. 😊

img_1516

Mystery Blogger Award” is an award for amazing bloggers with ingenious posts. Their blog not only captivates; it inspires and motivates. They are one of the best out there, and they deserve every recognition they get. This award is also for bloggers who find fun and inspiration in blogging; and they do it with so much love and passion.

sunshine-blogger

“The Sunshine Blogger Award” is given to bloggers who are creative, positive, and inspiring.

I’m not used to breaking rules, but spare me with this one, pls? Instead, allow me to answer the questions given to me by these three. Medj madami, people. At mukhang kailangang gumana ng brain cells.

In order of nomination…

From Arlene:

1. What is your greatest fear? Brief explanation.

Fear of falling, fear of getting hurt. Literally and figuratively. I-eexplain ko pa ba? Hahaha.

2. Name 3 of  your favorite clothing items.

Dresses from H&M, colored shorts from Lee, statement shirts from PCBS.

3. If you can spend Christmas with only one person, who is it going to be and why?

One lang talaga? Can’t choose between mommy and daddy eh. But since sabi sa Bible, they’re considered one, valid na ang answer ko ‘diba? 🙂

4. Share a picture of your most unforgettable trip/vacation.

Every trip/vacation was special, not just because of the place, but most importantly because of the experiences and because of those people who were with me. Pero sige… I’m confused between South Korea and Davao.

1 myeongdong
Who wouldn’t love to be in the land of the oppas? 🙂
Screenshot_20181019-100940-01
My first ever solo trip. 🙂

5. What is your funniest dating experience?

Nakalimutan ko na kung paano makipag-date. LOL.

 

From Mommy Jhem:

1. What inspired you to have your blog?

It was Ate Pia’s blog that inspired me to start my own. As my spirit is being lifted up by her writings, it was an overflow that I had the desire to inspire others as well with my stories.

2. Who’s your idol in singing and what’s this song of him/her that makes you cry?

I’m not particular with singers, actually. Thus, I can’t name an “idol.” But I admire Sarah Geeee for being a total performer. In terms of songs that made me cry, ‘di ko alam kung ano talagang problema nito ni Moira. Gusto ko yung Take Her To The Moon niya. Saka yung Leaves by Ben&Ben. Isama na natin ang I’ll Never Love Again ni ate Lady Gaga. At all-time pa din ang Someday ni Nina. Nang-aano sila eh.

3. Fave place in the world and why?

Sa loob ng mga yakap niya. Char.

I haven’t tour the world yet. Sa bahay na lang, with bed, blanket and pillows.

4. Best goal/s in life.

To be Christ-like, in whatever role He gives me.

5. Something that you already fulfilled?

Hmmm… A lot, but right now I’m loving my ‘2018 Firsts’. Will blog this on my year-in-review.

6. What’s the best thing that blogging can give you?

Reminding myself, since I have a short memory. Inspiring others, sana.

7. If there’s someone you’ll be most thankful to, who would it be (except for God)? Why?

My family and friends for their love.

8. English or Mathematics ?

Math. I’m not confident in English.

9. Forgive and forget or hate and avenge? Where are you?

Forgive, but never forget. Lol.

10. Have you ever denied yourself only for other people? Tell us a story. 🙂

Yup, masakit sa puso, pero okay lang. No regrets. ‘Wag na nating pag-usapan pa. 🙂

11. How does it feel being awarded by this? Explain.

Pressured? Haha. Honestly, thankful. May nakaka-alala sakin. 🙂

 

From Jeff:

1. Mas pipiliin mo ba ang trabaho na malaki ang sahod pero stressful, o maliit ang sahod pero walang stress?

Yung malaking sahod na lang. Nakaka-stress yung maliit na sahod eh. Pero let’s define what’s malaki and maliit ba, for I believe that it cannot be defined as to a single amount, but is related on the need and lifestyle of the person. Tama ba?

2. Dapat ba na ang mag-jowa/mag-asawa alam ang password ng kanya-kanyang Facebook account?

Hindi “dapat” as in required. Pero walang masama. You just need to communicate what’s permissible and what’s not. For example, I can give my password to my SO, but I have to tell him kung ano lang ang pwede niyang i-access or gawin. Especially for private messages, hindi niya ‘yun pwedeng basahin dahil respeto na lang sa taong kausap ko. I’m doing counseling din kasi online.

I would like my SO to give me his passwords as well. Pero this will be acceptable ‘pag mag-asawa na. That thing called “oneness.” ‘Pag ayaw niya, magdududa ako kung bakit. Wahahaha.

Kidding aside, knowing one’s password doesn’t mean the other has to open the accounts. Also, knowing each other’s passwords doesn’t automatically prevent the cheating and betrayal. Haha.

Anyway, I still want to practice shared passwords. 😊

3. Kung may body odor or bad breath ang kaibigan mo, paano mo siya sasabihan nang hindi siya mao-offend? O hindi mo na lang sasabihin sa kanya?

Tingin ko hindi ko sasabihin. I will let others do that.

4. Ano ang iyong kahinaan?

Siya. Char ulit.

Hmmm… pagkain? Bed? Sofa? Hahaha. Ano bang kahinaan ito?

Maybe one of my weaknesses is having a hard time to say “No.” Also, ‘yung pagiging mahiyain ko.

5. Kung galit ka sa isang tao, ano ang dapat niyang gawin para mawala ang galit mo sa kanya?

Give me three days. Lol.

Hmmm… ‘Wag niya akong sabayan. Suyuin niya ko. Apologize sincerely. Puntahan niya ko, with food. ‘Wag siyang umarte na as if walang problema. Show me that he’s aware that I’m not okay. I might not respond favorably on the first two days, pero kakausapin ko na siya ng mahinahon sa 3rd day. Basta may ice cream. 🙂

6. Ano ang “craziest” thing na nagawa mo sa ngalan ng pag-ibig?

Shems. Pass.

Ah alam ko na! Nagpa-scam! LOL.

Seriously, I guess ‘yung parang ako ‘yung nanligaw. Pinuntahan ko siya sa opisina niya with some gifts and huge card. Naghintay ng matagal, just to have a talk with him at magmakaawa na bumalik siya, pero waley.

But I guess it’s not for ngalan ng pag-ibig. Tingin ko gawa ‘yun ng commitment.

7. Ano ang mas masakit na klase ng break-up, yung dahil sa third party? O dahil hindi kayo itinadhana?

Tingin ko mas masakit yung hindi itinadhana. Kasi nakaka-frustrate yun. The two loves each other, pero cannot be. That’s too hard. Sa 3rd party kasi, meron kang avenue for anger. May masisisi. Tapos mas madali mong dadaanan ‘yung stages of moving on. ‘Pag tadhana ang kalaban, wala kang magawa eh.

Ang tanong, tadhana ba talaga ang dahilan ng paghihiwalay o choice? Tandaan na hindi lamang tadhana o 3rd party ang pwedeng maging cause ng breakup. Dahil ‘pag sinabing tadhana, ito yung totally walang choice, gaya ng paghihiwalay ng South at North Korea. 😊

8. Anong pelikula ang tumatak at nagkaroon ng malaking epekto sayo?

Passion of the Christ, kahit alam ko na yung story, iba pa din.

9. Kung magsusulat ka ng libro na babasahin ng lahat, ano ang mensahe mo sa mundo?

Do not just exist, live. Tapos sanga-sanga ng iba’t-ibang natutunan ko sa buhay.

10. Sino ang taong nag-iwan ng marka sa buhay mo at bakit?

Well siguro ‘yung mga taong naging malapit talaga sa puso ko, whether good or bad, happy or sad, nag-iwan sila ng marka sa buhay ko.

11. Meron ka bang pinagsisisihan sa buhay?

Meron.

^ Following instruction ako eh. Walang tanong kung ano. Hahaha.

 

Oo naman. Bakit hindi ako nag-aral ng mabuti, bakit hindi ako nagjowa nang nagjowa nung kabataan ko, para sana hindi sobrang masakit ‘yung breakup ko nung late 20s, bakit ko ginawa yung mga bagay na naging rason kung bakit ako tuluyang iniwan ng mga taong mahalaga sa akin back then, bakit ako nag-settle sa temporary happiness, mga ganyan.

But all these “bakits” form part of who I am today. There were regrets, yes, but I don’t think I wanted to make it right pa. Move forward lang tayo and apply the learning of these mistakes.

12. Anong legacy ang gusto mong iwan sa mundong ito?

Sharing the love of Jesus. Tingin ko diyan na nasusummarize ang lahat ng impact na pwede kong maiwan sa mundo.

13. Ano ang pinakamahalagang aral ang natutunan mo sa buhay?

Maraming aral sa loob ng 34 years. Mahirap piliin yung “pinaka.” Ang ilan sa mga napipinpoint ko ay ‘yung hindi ako ang bida sa life story na ito, ‘yung I am made for a greater purpose, ‘yung mag-ipon ng yaman na may eternal value, not those material things that will perish, ‘yung wag magpadala sa emosyon kasi the heart is very deceiving, ‘yung do not let kind words remain unspoken, at marami pang iba.

14. Kung may isang bagay na pwede kang baguhin sa iyong nakaraan, ano ito?

Hmmmm… ‘pag may binago akong isang aspeto ng nakaraan ko, magbabago tiyak ang kasalukuyan. This one is connected sa regrets. Pero sige, kung may isa talaga, it could be more of I should’ve taken care more of my katawang lupa since health is wealth.

15. Saan ka mas naniniwala, sa destiny or sa free will?

Hahaha. Sasagutin ko ito sayo in person. LOL.

K. Para sa kapakanan ng mga mambabasa…

Free will and destiny, both are existing and both are true. Each day, we are living according to our choices, more often than not, on the consequences of our past choices.

If we are going to live with what is destined for us (Jeremiah 29:11), choice pa din natin yun, that, if we will abide in His plans.

Parang istorya ni Jonah. He was made for Niniveh, but according to his free will, he chose to escape and escape, until such time that he had a change of heart to follow God. Dun din naman ang bagsak niya, bakit pinatagal pa niya? Edi nakaranas pa tuloy siya ng mga paghihirap.

For me, it’s not a question of what I believe in between destiny and free will. It’s a question whether I am living each day knowing His plans for me (my destiny), and if I am choosing (free will) to live in accordance with it, at alam natin pareho na prayer and dwelling in His words ang sagot sa lahat ng katanungang ito. 😊

 

 

Whew!

Napagod ako, big time.

Let me know in the comment section if you have follow-up questions or if there’s any item that needs more clarification.

Pero masarap din itong pag-usapan over a cup of something yummy. Whatever it is. 😊

Advertisements

7 thoughts on “Nominated: Mystery Blogger Award & Sunshine Blogger Award

  1. Natawa naman ako sa sagot mo sa greatest fear mumsh hehe. Kakainggit ang South Korea travel mo sana makagora rin ako dyan sa future. Favorite ko sa mga sagot mo yung mga bagay na pinagsisihan mo. Parehas tayo, marami akong regrets pero siguro kung hindi nangyari yang mga yan hindi ka magiging kasing tatag ngayon so version 3.5 ka na dahil jern hehe.

    Liked by 1 person

  2. Lalim ng mga sagot ah, lalu na yung pinaka last question. Iba din eh..😊

    Tsaka maihabol ko nga pala, hindi ka pa pala confident sa English sa lagay na yan ah? So ano pa kaya tawag samin? 😁

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s