Poems & Stories · Prose & Poetry

TFIOB Spoken Word Poetry

Hallerski! I’m still alive! Wooohoo!

Nakasurvive ako ng isang linggo na nasa katinuan pa! Based on my own assessment. Hahaha. Once again, the strong combination of #TheSeason and #MonthEndFeels hit me so hard to the point na nagreact na ang katawang lupa ko middle of last week. Three more weeks to go and yeahbaaaa, malaya na ako ulit!

Medj maraming ganap sa life lately at may pag-roller coaster ng emotions pero you know naman, I’m so tamad magsulat. Wahaha. Itutulog at ihihilata ko na lang ang mga sandaling pwede kong namnamin. Patawad na!

Pero eto… I just want to share these voice clips that I’ve uploaded in my soundcloud account last Friday. Nagsimula kasi kaming magharutan sa GC ng TFIOB one night. Nagsendan ng mga jokes, tapos nag-videoke ganyan. Hanggang sa naglabasan na ang mga makabagbag-damdaming mga tula ng mga kasama nating mahuhusay na manunulat. I just so love their write-ups na nung pinilit nila kong gawan ko daw ng version ko (madali lang akong pilitin hahaha) eh aba naman, so much feeeeeels!

Sana pala may background music ‘no?

Wag nang pakialaman ang boses kong parang panlalaki ha. Nakiki-kinig ka lang, ‘wag choosey! Hahaha.

Enjoy!

“Hele sa Duyan” by Maklein

Hindi sumagi sa isip na ika’y maarok
Sa buhay na tila laging mapusok
Puno ng lumbay at hinagpis
Ang kabiguan na laging tinitiis
Ihele sa duyan ang pangamba
Nawa ang bukas ay maging maganda
Kung ang lungkot ay panandalian
Nawa ang ligaya’y walang hangganan
Sa di sinasadyang pagkakataon
Dumating ka sa di tamang panahon
Puno ng tanong at agam-agan
Ngunit kailanman ay hindi dinamdam
Ihele sa duyan ang pangamba
Iwan sa kahapon ang kaba
Ihanda ang sarili sa anomang sakuna
Harapin ang bukas ng walang pangamba
Ang agam-agan ay naging ligaya
Dahil ikaw ay isang malaking biyaya
Ngunit ang pagdating mong kay bilis
Ang tadhana naman ay kay daling lumihis
Ihele sa duyan ang pangamba
Nawa ang bukas ay maging maganda
Kung ang lungkot ay panandalian
Nawa ang ligaya’y walang hangganan
Sa iyong paglisan ako’y turuan
Mawala sa seldang aking kinatatayuan
Puno ng hirap at pasakit
Ang isip at puso na laging tanong ay bakit?
Maaari ba na ika’y ihele sa duyan ng pagmamahal
Nawa’y patawarin ng Poong may kapal
Kung ako man ay naging hangal
Sa kamalian na dulot ng pagmamahal

“Ikaw Pa Rin” by Left Pencil

Kung gaano kagustong alalahanin ka,
ganoon din ang kagustuhang ikaw ay kalimutan na.
Gusto na kitang alisin sa aking isipan
pero hindi makaya kaya.
Bakit ganun?
Pilit na bumabalik ang iyong mukha sa aking alaala.
Paano bang limutin ang tulad mong sa akin ay mahalaga?

Ang unfair eh, ako eto naiisip ka, iniisip kang palagi.
Hindi maalis sa akin ang masaya mong pagngiti.
Pero ikaw, ano?
Hindi nga yata ako nasagi man lang sa iyong isipan.
Ako yata talaga’y iyo nang kinalimutan.

Tingnan mo, pati dito sa aking tula ay bida ka.
Mula pagtulog hanggang paggising ika’y naiisip na.
Yung totoo, droga ka ba?
Kung ganoon, ako’y tinamaan talaga ng sobra.

Ang tagal tagal na pero hanggang ngayon nandito ka pa rin.
Pinilit ko naman eh, na ikaw ay tuluyan nang limutin.
Pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, ikaw pa rin.
Ikaw pa rin talaga ang hanap ng puso at gustong makapiling.

“Ilang Beses Ba?” by Bughawblueasul

Siguro iniisip mong napakadali lang na magpalipad hangin.
Siguro iniisip mong napakadali lang na umamin.
Siguro iniisip mong napakadali lang sabihin na ingat ka, kumain ka na ba, magandang umaga, kumusta?
Sa bawat letra, sa bawat salita, ilang minuto, ilang buntong hininga, ilang type-backspace-type-backspace, pati period binibilang, pati timing tinitimbang.
Sinunod ko lang ba ang puso ko?
Kinalimutan ko bang gamitin ang utak ko?
‘Di ba ako nag-isip?
…di ba kita inisip?
Sampung beses.
Dalawampu.
Isandaan.
Ilang beses ko ba dapat isipin?

Ilang beses ba ang sapat para sabihing minahal ka ‘di lang ng puso ko kundi pati ng isip ko?

Advertisements

21 thoughts on “TFIOB Spoken Word Poetry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s