Uncategorized

#RheaAsks | Bakit?

Bakit ang tilaok ng mga manok ay nagsisilbing hudyat na umaga na, ngunit ang oras ninyo ay magkaiba?
Bakit ang araw ay maliwanag na sumisikat tuwing gigising ka, pero ang labo niya?
Bakit ang eroplano ay malayang lumilipad sa ere, lugar kung saan iniwan ka niyang mag-isa?
Bakit ang pag-ibig na dapat ay masaya, datapwat sinaktan at dinurog ang puso mong mahina?

edf

Minsan iniisip ko kung bakit maraming nahihilig sa ampalaya kahit ito ay mapait. Sabi nila maganda daw sa kalusugan, pero ang pait sa puso eh hindi dapat ninanamnam. Gaya ng katanungan ko kung bakit ipinagbabawal ang matatamis dahil masama sa katawan, pero ang tamis na hatid ng pagmamahal eh inaasam-asam. Hindi ko nga maintindihan kung bakit β€˜pag ang bata nasugatan, iiyak lang sandali tapos tuloy ang laro at tawanan. Ganu’n lang, moved on na agad. Gaya nang hindi ko pagkaunawa kung bakit β€˜pag ang puso ang nasugatan eh ang tagal maghilom, kahit ilang araw o linggo ka nang ngumawa at nabaon na ang mga mata mo sa luha. Hard.

Bakit darating ang buwanang dalaw tuwing may langoy ka sa mismong araw? Bakit uulan ng malakas tuwing nagpaplano kang tumakbo sa labas? Bakit kung kailan ka nagdesisyong bilhin ang isang bagay eh ubos na ang paninda? Bakit kung kailan mo kailangan ang isang gamit eh hindi mo makita-kita? Parang ‘yung sa inyo, wrong timing lagi ‘diba?

Bakit ang kamay at paa ay dalawa, gayundin ang tenga at mga mata, pero ikaw walang kapareha?

Kung bakit may mga taong nagtatapon pa rin ng basura kung saan-saan na parang mga walang pinag-aralan… Kung bakit may mga taong hindi makawala sa sariling bisyo at kahirapan… Kung bakit may madaling makatulog at may hirap sa pagtulog… Kung bakit sinasabing kapag mahal mo na eh ikaw ay nahulog… ‘Di ko maarok. Kaya ba masakit kasi naumpog?

Bakit ang kwaderno, ‘pag walang panulat, walang kwenta? Bakit ang libro, kung walang magbabasa, walang halaga? Pero siya, kahit walang ikaw, parang kumpleto na?

Lahat tayo ay may dalawangpu’t apat na oras sa isang araw, pero bakit sa iba parang kulang? Lahat tayo ay nagmula sa isang lalaki at isang babae, pero bakit hindi lahat may magulang? Lahat tayo ay may karapatang magmahal at mahalin, pero bakit parang ang daming humaharang?

Bakit ang alon sa dagat, ‘pag maingay ay ayos lang, pero pag tahimik ay uulan? Bakit ang ulap sa langit, pag rumaragundong gawa ng kulog at kidlat ay uulan, pero ‘pag tahimik at maaliwalas ay ayos lang? Kagaya ng bakit hindi ka crush ng crush mo, at bakit kailangan mong mamili kung ‘yung mahal ka o ‘yung mahal mo?

Tanong ko, bakit nga ba?

———

Bakit ang eroplano ay malayang lumilipad sa ere, lugar kung saan iniwan niya akong mag-isa?
Bakit ang araw ay maliwanag na sumisikat tuwing ako’y gigising, pero ang labo niya?
Bakit ang tilaok ng mga manok ay nagsisilbing hudyat na umaga na, ngunit ang oras namin ay magkaiba?

 

Bakit ang pag-ibig, datapwat sinaktan at dinurog ang puso kong mahina, ay naghahatid ng walang-hanggang ligaya?

 

At bakit heto ako, patuloy na umaasa?

 

Darating din siya.

 

 

 

O dumating na?

 

 

 

 

 

(Bakit nga ba Tagalog ang akda ko ngayon? Kasi, Buwan ng Wika, bakit ba?)

 

Advertisements

60 thoughts on “#RheaAsks | Bakit?

  1. Halos isang buwan ko ‘tong inabangan… Alam kong dadagsa ang mga komento at mahihirapan na akong sumingit… Kaya inintay kong mag-alas dose ng hatinggabi para ako ang unang like at unang comment… At ang masasabi ko dito… Hahahahaha, mukhang nasabi ko na ng maraming beses… Magsasawa ka na… Alam mo na ‘yun….
    πŸ’™πŸ’™πŸ’™

    Liked by 1 person

    1. Bwahahah. Pambihira. Ang fake ng ‘good night’ mo kagabi. Nalimot ko ngang may scheduled blog today.

      Char lang to beshhhhh. Char lang talaga. Tinatry ko lang yung style mo. Wahaha.

      Like

    2. Bwahahahahahahaha… Sabi ko naman sa’yo aabangan ko, ako pa ba ang makakalimot? ‘Di ko na pinaalala sa’yo kagabi, alam kong nalimot mo na, ikaw pa ba? Hahahahahahhahahaha…

      Wala… Magpaliwanag ka sa barangay… Bwahahahahahahahha…

      Liked by 1 person

    3. Ely: “Mahal kita Aila, alam mong mahal kita… Kakantahin natin ang Kanlungan pag nagkita tayo! Tutugtugin ko para sayo! At dadalhan kita ng gumamela, iuukit ko ang mga pangalan natin sa punong mangga…”

      – Bwahahahaha buset. Kainis makabasa ng ganito. Wahahah.

      Liked by 3 people

  2. Ang lalim ng mga hugot mo dito, teh. Para sa buwan ng wika ba talaga toh or para sa buwan ng mga hugot? πŸ˜„ Pero ang galing, minsanan lang tong tagalized mo na blog, kaya dapat pusuan.. 😊

    Liked by 1 person

  3. Ely: β€œMahal kita Aila, alam mong mahal kita… Kakantahin natin ang Kanlungan pag nagkita tayo! Tutugtugin ko para sayo! At dadalhan kita ng gumamela, iuukit ko ang mga pangalan natin sa punong mangga…”

    – Bwahahahaha buset. Kainis makabasa ng ganito. Wahahah.

    HAHAHAHAHAHAHAH NAKAKALOKA! PANO DI AKO NIREPLYAN SA VIBER!!!! HAAHAH di ko malimutan hahaha minsan na lang ako magviber dinedma pa ako ni Ely amp ahahha

    Liked by 2 people

  4. Bakit?, bakit di ako crush ng crush ko?. Hahaha! This one is inspiring. Maka gawa nga ng ganito , para sa BUWAN NG WIKA. TAG CHALLENGE NA YAAN! πŸ™‚ MAKE A BUWAN NG WIKA POST HAHAHA. XDD

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s