Ask Me · Personal

Ask Rhea Angeline 06

Masyado nang mahaba ang listahan, let’s do this again! 🙂

edf

Girl, mahilig ka ba sa may abs?

  • Ako, hindi. Pero may kilala akong nagiging hyper ‘pag usapang abs. Hahaha.

Mayroon ka bang isang bagay na ninais mong hindi na lang nakita?

  • Madami, actually. Yung mga nakita ko during the time na wiling-wili akong mag online stalk. To the point na umay na umay na ko sa mga selfie ni Ugly Pig na napapanaginipan ko na. Wahahaha. Kaya ‘wag niyo akong tutularan ha.

One thing you hate the most?

  • Torn ako alin ang “most” sa mga sumusunod: (1) Pinagbibintangan ako; (2) Niloloko ako; (3) Si ano. Ay thing pala. Hahaha.

Kapag gumapang ang ipis sa sabon, dudumi ba ang sabon o lilinis ang ipis?

  • Masyadong relevant sa pang-araw araw na buhay ang tanong na ito. 😁 Dun ako sa “dudumi ang sabon,” kasi ang tendency, huhugasan ko yung sabon sa gripo kasi narumihan siya. Sa ipis, mga paa niya lang ang nasabunan. In case nalubog siya sa tubig na may sabon, hindi ko pa din siya kayang hawakan. Hahaha.

Sumasang-ayon ka ba na nagkakaroon ng ginhawa pagkatapos ng hirap?

  • Depende sa kung anong aksyon na ginawa mo para makawala sa “hirap” na ‘yun. Dahil mas naniniwala akong walang ginhawang mangyayari kung tutunganga lang tayo at maghihintay.

Paano makalimot? Paano hindi masaktan? Paano mag move on? Paano hindi maging tanga? Paano maging masaya? Paano ako magsisimula ulit?

  • Simulan mo sa isang desisyon na pipiliin mong maging masaya, no matter what. Simulan mo sa isang commitment na pipilitin mong makita ang goodness at positibong mga bagay despite of all the imperfections of the world. Sorry pero hindi posible ang makalimot, hindi pwedeng hindi masaktan at hindi madaling makamove on. Pero magtiwala ka, magiging masaya ka at makakapagsimula kang muli.

(1) Everything will happen in God’s perfect time. If it’s meant to be, believe that it would happen, It doesn’t matter how late it would be. (2) When you’re in pain, you can’t expect people to feel the same too. Some might even rejoice when you’re sad. That’s the way life goes. Which is better, 1 or 2?

– Both statements are correct. But I would rather choose no. 1 for it gives me a bright and positive outlook in life. It delivers joy and put smile and hope in my heart. No. 2, though speaks the truth, makes me sad and bitter.

Ano ang iyong all-time na paboritong meryenda?

  • Spag saka sopas. 🙂

Uy miss na kita sobra.

  • I miss myself too. 😊

Do you think time would pass me by?

  • If you’ll do nothing about your life, it’s a guarantee.

How do you express your love to your significant other?

  • Depending on his love language. 🙂 Ay wala pala akong SO. Haha.

How can u cope up in this cruel world?

  • Prayer works. Then work only on the controllable.

If i have only one day to live, what will you tell/do to me?

  • I’ll make sure you know that there’s life after death, and Jesus is offering an eternal life.

Saang subject ka nahihirapan?

  • History. Ito ang pinakamababa ko palagi. Tamad kasi akong magkabisado ng mga pangalan, lugar at dates.

What’s a perfect birthday present for a boyfriend? Please pa help po. Yung matinong sagot. Thank you. 😊

  • Alamin mo kung ano yung love language niya. Start from there. May mga taong mas naaappreciate ang memories or time spent together kesa sa materyal na bagay. Pero in case “gifts” ang love language niya, I prefer giving a bag or a cap or perfume. Check mo din baka meron siyang specific need. 🙂

Why is it easy for us to comfort, and give advice to others but we couldn’t help ourselves on whatever we are facing? I guess we want somebody to notice our weaknesses despite of the strength that they see on us?

  • Hmmm… Hindi naman siguro sa ganun. It’s just that, it’s harder on us to say anything ‘pag tayo na ‘yung nasa sitwasyon. Kaya ‘pag magbibigay tayo nga advice, always put ourselves on the shoes of the other person.

Signs that would assure you na may gusto sayo ang guy? Hot & cold kasi siya. I mean, there were subtle hints na gusto niyang lumabas kami. He sends voice clips sa GC namin with “para sayo to *my name*, ginitara ko na” may kasamang sweet lyrics pa. Pero minsan wala siyang paramdam. Help!

  • Yaiks! ‘Wag kang kiligin sa ganyan. Inconsistent ‘yan. Saka malaki ang chance na mag-ghosting. Anytime mawawala, tapos magpaparamdam ‘pag gusto niya.

Can I love you from afar?

  • Ohhh… Who am I to say no?

Totoo ba? Magagaling lang ang boys sa salita?

  • Not all, dear. May mga kilala naman akong lalaki na hindi magaling sa words, but their actions speak for what they feel.

Bakit kaya di tayo crush ng crush natin?

  • Tanong ko din ‘yan! Like, pangit ba ko? Hahaha.

Should I give up without trying? Alam ko naman na sa simula pa lang hindi na niya ako gusto.

  • Don’t hinder yourself from expressing your feelings. Not with the main intent of getting his/her “yes,” just let the person feel how special he/she is to you. Para walang regrets.

Busy daw siya. Baka busy na siguro sa iba. 😦

  • Hayaan mo na. Magpakabusy ka na lang din.

Feeling ko talaga may gusto na ako sa kaibigan ko. Huhu. Ang problema, eh kung gusto niya rin ba ako? 😢😞

  • Ayyy… Mahirap ‘yan. Ahon na habang mababaw pa. Baka malunod ka.

Bet kita as in sobraaaaaaaaaaaaaaaa.

  • Tuluguh buhhh???

R! I miss you na.

  • Hmmm… Thanks. I miss myself too.

Bakit may taong masama tumingin kahit walang ginagawa sa kanila?

  • Baka malabo lang ang mga mata. May kilala akong ganyan. 😂

Is it much easier for you not to read a chat that you do not want to answer?

  • I guess. Kasi ‘pag sineen ko, it will start a conversation pa. Possible na may pag-haggle and all that.
    And you’re weak in haggling?
    I’m weak in saying “No” to people. As long as it depends upon me, I don’t want to disappoint people ganun. I don’t want to make them feel bad.
    Does it make you feel better?
    Which one?
    Not making them feel bad.
    Perhaps? Not making people feel bad is better than me, adjusting. After all, it’s just me.

<<< Ask Rhea Angeline 05

Advertisements

17 thoughts on “Ask Rhea Angeline 06

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s