Personal

I’m Back!

So ayun na nga, nag-emote ako sa last blog post ko. Haha. Ang lungkot ko talaga nung mga araw na ‘yun. Naisip ko gawa na din ng #TheSeason. Ganun kasi ako, ‘pag physically weak, emotionally weak din. Pero during that time kasi eh may isang kaganapang nangyari sakin. ‘Di ko na lang muna ikekwento. Baka kasi mabasa niya/nila at sabihin nanamang sinisiraan ko sila dito sa blog ko. Hahaha. Srsly, when did I? Tell me!

20171103_234555
Last year pa pala sila nangbuburaot. Haha.

Anyway, hayaan na natin sila. Masyado nang malaki ang espasyo na nasakop nila dito sa page na ‘to. Haha.

So ano bang nangyari sakin nung mga panahong nanahimik ako? Kunwari interesado ka! Sige na! HAHAHA.

Magkukwento ako ha. Wag kang aalis.

Una, dahil natapos na ang Budget Hearing o ang busy season ko sa office eh bumawi ako sa tulog. Maraming tulog nakakaloka. There was a time na nagising ako isang Sabado na alas dose na ng tanghali. Tapos bandang 4 pm eh inantok nanaman ako at nagising ng 7 pm. Wahahaha. Nagtaka pa ako bakit parang ang ikli ng Sabado ko. Puro ako hilata lately. Especially na medyo lumalamig na ang panahon.

Pangalawa, naisip kong magkulay. Nabili ko itong coloring book nung nakaraang MIBF sa halagang 140 pesos. Ang saya diba! May Bible verses pa! πŸ™‚

‘Wag niyong i-judge ang pagkukulay ko. Wala akong talent sa ganito. Ang talent ko lang ay mag-move on. Haha.

Napag-alaman kong pwede din itong mabili online sa omflit.com pero malamang hindi na discounted ang price.

Pangatlo, nanood din ako ng play. Sound of Music. Hindi ko alam kung bakit nahihilig kami ng mga kaibigan ko lately sa musical and theater plays. Sign of aging yata. Hahaha.

IMG_20171008_213716_331
Ang taray ng cut ng blouse ko sa likod. Awra! Haha

Tapos nagcelebrate ako ng birthday ko with hashtag, #DoubleThree. Gosh ang tanda ko na! Take note, Friday the 13th ang nakaraang birthday ko. Wahahahaha. At syempre as expected, umulan. Hindi lang basta ulan ha. Buhos talaga! Sa mga naabala, wala po akong kinalaman dun. Haha. Ang daming kainang naganap! Parang buong buwan ng October may dine out. In short, ang daming gastos. Hahaha. Ayos lang kasi masaya naman. Birthday ko eh. May pa-mango bravo pa ang isa kong kaibigang beki.

View this post on Instagram

"Goblin, I want you here." πŸŽ‚

A post shared by 🌸 Rhea Angeline 🌸 (@rhea.angeline) on

Isingit ko na din na ang saya-saya ko gawa nang may bagong bukas na Miniso dito sa SM Megamall. Yung una at huli kong napuntahan eh sa SM Baliwag pa. Ang pinakamalapit naman sa akin ngayon ay nasa Glorietta. Ayoko dun kasi base sa online stalking skills ko dati, madalas dun sina Ugly Pig. Wahahaha. Ooops! Sarreh!

Speaking of “Sarreh,” nag-round 2 ako ng Man from the Stars. Haha. At tumatak itong mga linyang ito sa akin. Kasagsagan din kasi na inaaway ako ni Kuyang Engineer at umeemote akong taken for granted ganyan. Wahahaha.

20171103_230042
Ang arte ko lang. Haha.

Teka balik tayo sa Miniso. Isa sa mga favorite purchases ko eh itong pabango sa bahay. Naisip ko nung una, sa office desk ko siya ilalagay pero ang bango sobra, kaya dito na lang sa condo. Haha. Ang bango talaga! Tuwing uuwi ako ang bango! Bili na kayo! Sakura ha. Mabango talaga! (Not sponsored post po. Haha.)

Last but not the least update eh bumalik na ako sa pagwoworkout! Naks naman sa bumalik eh isang beses pa lang naman akong nag-gym ulit. Hahaha.

Napagusapan kasi namin ng kaibigan kong beki na magchechange wardrobe kami. Pero magpapapayat muna kami para hindi naman sayang ang pag-chechange wardrobe. Mahal din ang mga damit ha. Mga 4-years na siguro namin itong pinaguusapan. Wahahaha.

Another thing, sumali ako sa 10K steps challenge sa office. May libre kasing pedometer. Alam niyo na, sabik lagi sa libre. Haha. Nagsimula kami nung September at 5K steps daily, 6K na nung October at 7K steps daily ngayong November, and so on until 10K sa February 2018. Challenge diba! Kaya eto lakad ako nang lakad at nasasanay na akong gumamit ng stairs. Haha.

Okay sige aaminin ko na. Ang taba ko kasi lalo ngayon. Stress eating yata nung planning season plus nagmumove on kasi ako kay Joong Ki. Wahahaha. Ang dami kong nakain nung araw ng kasal nila! Haha. Pero I’m okay po, promise. Hindi ako umiyak. Haha.

Ang haba na ng kwento ko. Haha. First time kong nagsulat diretso dito sa wordpress. Babalik na ko sa blogging, very soon. May naiisip na akong theme sa mga susunod kong ipupublish. Salamat sa mga nag encourage sakin na wag tumigil sa pagsusulat. Na-touch ako. Haha. Pero napagod talaga kasi ako sorry na. Salamat sa pagtangkilik kahit parang ang non-sense nito. Haha. Charot. ❀

 

 

 

Advertisements

23 thoughts on “I’m Back!

    1. Don’t worry darating din si Mr. Right. Believe me, been there hahaha. Ako nga dumating sya sa hindi inaasahang panahon. Wrong text lang at sya na pala yun. May ayaw pang naganap sa text dahil inakala ko magnanakaw sya ng cellphone. Yun pala nagkamali lang ako ng number na na-text sa kanya napunta. May ganun! πŸ™‚ Mahaba-habang kwentohan hahaha.

      Liked by 1 person

  1. Teh!, wag kang tumigil sa pagsusulat dahil lang sa sinasabi ng ibang tao. Hayaan mo silang tubuan (tama ba spelling ko? haha) ng lumot sa utak. Besides, kahit anong gawin natin sa buhay eh talagang maraming epal sa paligid at since good citizens tayo eh hayaan na natin sila sa purpose nila sa mundo- ang pagiging epal! HAHA! joke. Anyways, ito’y opinyon ko lang. lol

    Liked by 1 person

  2. Gusto ko ‘yung naging talent ang pagmomoveon! Hahaha. Nako, ilabas ‘yang nararamdaman na ‘yan at bahala silang mabasa ang sama ng loob mo! CHAROT. (Gawa ka nalang din ng Not Rhea ate. Hahaha)

    Atsaka belated happy birthday, Ate ko! Hindi ko alam kung nabati kita e kaya batiin nalang kita dito. Hahaha mwa!!! Gamitin ko nekshir yung hashtag. #DoubleTwo naman ang akin. Ganda naexcite ako!

    Liked by 1 person

  3. Hindi mo naisali yung nag sorry si kuyang engineer! Wahahahahha!!! Medyo nag ti-trigger nanaman si lily cruz sa ugly pig na yan! ahahahhahaha! Grabe ang 10k steps challenge! 7.5k challenge lang ako hirap na hirap pa hahahahaha!

    Liked by 1 person

    1. Hahaha. Follower ko yan si Kuya Engineer. Ewan ko kung matatawa siya o aawayin nanaman ako pag nabasa niya to. Haha.

      Ang laki talaga ng issue mo kay Emilia Ardiente. Haha. Move on na. Hahahahaha.

      Oo kaloka. This month 7k steps daily na. Hirap na hirap ako. Haha. Pano pa sa mga susunod na buwan?

      Liked by 1 person

    2. Ahh wuw follower mo sya! Matatawa yun kasi pinansin mo na sya! aayyyie!

      Nagkaka-attitude ako! Parang ako yung inagrabayado ni Emilia Ardiente! Ahahahhahaha!

      Kaya yan! 7K steps! Go go go!

      Liked by 1 person

    3. HAHAHAHAHA. Kalimutan na muna natin si Kuya Engineer at Emilia Ardiente. Focus tayo sa # of steps required in a day. HAHA. Go for that body we’ve always wanted. LOL.

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s