Prose & Poetry

Umaasa, Naghihintay

To end the series on guest blogging for the month of March and to commence the April’s theme: Prose and Poetry, join me with this so-much-feel poem as each rhyme will give us a sense of romantic excitement and each verse will cast one’s mind back to or own experiences that once in our lives, we’ve loved and we’ve went through a painful heartbreak.


Dumating kang hindi inaasahan.
Sa pasyalan una kang nasilayan.
Puso ko’y umpisa pa lang ay nabihag mo na.
Umasa na isang araw ay makilala ka.

Salamat sa isang kaibigan, ika’y ipinakilala.
Puso ko’y tumatalon sa tuwa,
hindi makapaniwala.
Nag umpisa sa isang hi,
umaasang hindi matatapos sa isang babye.
Bawat sandaling ikaw ay kausap,
mga paru-paro sa kalamnan ay aking nararamdaman.

Ngiti mong nakakasilaw, unti-unti akong tinutunaw.
Ngayon lang naramdaman, ganitong kasiyahan.
Mundo ko’y tumitigil sa bawat araw na ikaw ay kapiling.
Pagibig na bang matatawag ang aking nararamdaman?
Ngunit ako’y natatakot masaktan.

Isang araw ikaw ay umamin,
Sinabi mong ako’y gusto mo rin.
Hindi alam ang gagawin.
Parang nananaginip ng gising.

Sa una ay masaya, lagi tayong magkasama.
Tawa dito, tawa doon.
Hindi mapaglagyan ang saya ng puso ko nang mga oras na iyon.
Naalala ko noong unang beses mong hawakan ang aking mga kamay
Tuhod ko’y nanghina, hindi pa rin makapaniwala.

Lubos ang kaligayahan ko.
Ayoko nang matapos ang mga oras na ito.
Pero ang totoo,
natatakot ako na baka panandalian lamang ang lahat ng ito.

20170117_120133

Heto na nga ba ang kinakatakutan ko.
Bigla kang nagbago.
Sabi mo sa akin ‘wag akong mawala.
Pero bakit ika’y madaya?
Naglaho nang parang bula.

Umaasa na bukas ay babalik ka.
Pero anong petsa na? Wala ka pa.
Heto naman ako, naghihintay sa pagbabalik mo.
Kahit alam kong ito’y malabo.

Tinanong ko ang sarili ko,
ano bang nagawa ko?
Bakit ba bigla kang nagbago?
Ang galing lang ng tadhana at sinagot naman agad ako.

Nakita kitang kasama ang taong totoong mahal mo.
Gusto kong magalit pero hindi ko magawa.
Dahil pag-ibig ko sa’yo ang patuloy na nangingibabaw.
Wala akong karapatan pero ako ay nasasaktan.
Kasalanan ko ba kung ako’y nagmamahal lamang?

Ang saya-saya ninyo.
Naiinggit ako.
‘Yung lalaking pinapangarap ko, hawak na ng ibang tao.
Napangiti ako.
Naisip na ikaw ay masaya na
kahit hindi ako ang dahilan ng mga guhit sa iyong mga mata.
Ngunit sa loob ko, ang sakit-sakit na.
Na makitang ang pinapangarap ko ay masaya sa piling ng iba.

Gayunpaman, salamat sa’yo.
Ako’y pinasaya mo kahit sa maikling panahon.
Tandaan mo mahal ko, nandito lang ako,
maghihintay sa’yo.
Mahal parin kita, pero mahal mo na siya.
Talo na ako at tanggap ko na ito.
Kahit mali sa mata ng ibang tao, maghihintay pa rin ako.
Nagmamahal lang naman ako ng taong hindi na ako gusto.
Basta mahal tandaan mo, nandito lang ako.
Naghihintay sa pagbalik mo.


About the Author: Maria Sharina is an 18-year old BS Mechanical Engineering student of University of Perpetual Help System – Biñan Campus. In between studies, you will find her leading and attending small group Bible studies and fangirling with her favorite volleyball player, Jheck Dionela.

Advertisements

14 thoughts on “Umaasa, Naghihintay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s