Life Lessons · Relationships

The Playlist Of My Heart

“As long as your heart beats, you are capable of loving.”

I specially admire this woman because despite of all her heartbreaks and heartaches, she chose to love and never gave up on love.

———-

Isang araw, nabasa ko itong quote na ‘to sa isang text. Buhat noon, tumimo na sya sa isipan ko.

“Someday, you will meet someone that will make you realize why it never worked out with anyone else.”

Ang totoo, it never made sense to me until I finally met that someone.

Pero naisip ko, bakit kasi hindi na lang ako naghintay hanggang nakilala ko siya? Kung alam ko lang, hindi ko na sana sinayang lahat ng emosyon ko noon sa mga inakala kong “the one” para sa akin.

Sa isang banda naman naisip ko rin, kung sana lahat ng babae naiisip na lang na ganun ang gawin, malamang, wala na sa diksyunaryo ang mga salitang brokenhearted at move-on. Wala na ring assumera at feelingera. Ang matitira na lang ay NBSB, hoping, waiting, at being preserved.

Pero ‘yun nga, hindi na nga nagkaganon. Dahil bago ko pa tuluyang nakilala si “the one” ay nag excursion muna ang puso ko. Nagpaikot-ikot muna. Nasaktan. Nasugatan. Nag joy ride, nag stroll, lumundag, nag-glide, lumipad, nalaglag, gumapang at bumangon muli.

At sa bawat trip ng puso ko, may Official Sound Track (OST) ang drama ko. Well, nakabuo lang naman ako ng isang playlist.

Ikwento ko ha?!

Ang una kong kanta:

🎵“….I’ve known you for so long you are a friend of mine… but is this all we’d ever be?”🎶

Yes, tumpak! Ito ang pambansang theme song ng bawat babaeng in love sa kanilang best friend. Ang favorite din nilang pelikula ay “Labs  Kita, Okey ka Lang?” nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Kulang-kulang limang taon – ganyan katagal akong hooked na hooked sa best friend ko. Asang-asa ako noon na balang araw, marerealize din niya na kami talaga ang para sa isa’t-isa. Ako ang dakilang assistant, reminder, listener at encourager. Taga gawa ng assignment, taga kopya ng lecture at taga bigay ng papel. All my high school life up to early college days, nasa gilid lang ako – umaasa at naghihintay na mapansin. Pero wala rin. Best friend lang talaga ang tingin niya sa akin.


Sinubukan kong mag move on kaya naman sinagot ko yung una kong naging boyfriend. Blockmates kami nung college. Isa siyang “maginoo, pero medyo bastos”. Ang hilig ko pa nun ay medyo bad boy arrive – nagyoyosi at umiinom. Depensa ko sa sarili ko, “At least kahit ganon, totoong tao ‘to.” Kaso dahil nga bad boy, 2nd sem pa lang namin, nag drop out na siya. Umuwi ng probinsya.

Dun ko na kinanta ang susunod na sound track ko:

🎵“Kung tayo’y magkakakalayo… maging tapat ka pa kaya?”🎶

Guess what?

Hindi.

Hindi siya naging tapat. After a few months of having a long distance relationship, may ibang babae nang nagtetext sa akin. Nasulot na siya. Ang gwapo kasi. Maraming gustong mang-agaw. Ang loko, nagpa-agaw naman.


Two years after, third year college na ako noong sumubok ako ulit. Magugulat kayo sa sasabihin ko. After having a relationship with somebody na so astigin, eto na ang kinakanta ko:

🎵“Ang boyfriend kong bading… Bading…”🎶

Tumpak! Nauwi ako sa  bading. And not just once! Dahil twice in a row, parehong bisexual ang naka-relasyon ko.

‘Yung una, crush ko talaga. He’s such an ideal guy for me. Plus, nag-iba na rin ang taste ko noon – well mannered, neat, future-minded at family-oriented.  Isang buwan bago ko siya sagutin, inamin niya sa akin na bi siya at nagkakagusto rin siya sa kapwa niya lalaki. Pero alam daw niyang mali ‘yun kaya naman girl pa rin ang choice nya. And he saw that ‘ideal type’ in me raw. Well, nahulog na rin kasi ako kaya tumaya na ako. Ang inisip ko pa noon, pwede ko siyang matulungan sa sitwasyon niya and that he will overcome it eventually.

Well, hulaan niyo ulit kung ano ang nangyari?

It didn’t work out.

Marami kaming similarities. Pareho kaming mag isip, mag react at pumili. And I must admit that for a girl like me, it was quite boring and disturbing. Lagi ko tuloy naaassociate yun sa pagiging bi niya. Super paranoid pa ako lagi kapag kasama niya yung mga barkada niyang lalaki. Medyo mas pathetic palang magselos sa lalaki kaysa sa babae.

‘Yung isa pang bi, he never really admitted to me na ganun nga siya. Narealize ko na lang early on in our relationship nang isang araw ay iniwanan niya ako sa gitna ng kalsada habang sinusumpong ako ng ulcer. Dahil daw sasamahan nyang mamili ng costume sa Divisoria ang aming Mr. PUP.

Right then and there, binreak ko. Nakakababae kasi si Mr. PUP.


Lumipas ang ilang buwan, may naging manliligaw ako na barkada ko at talaga namang close siya sa akin. Mabait, maalaga at maalalahanin. Cool din naman siya. Ang totoo, sinubukan kong mahalin siya at bigyan ng pagkakataon. Pero hindi talaga eh…

Parang ganito ang peg ko:

🎵“Cant’ say I don’t love him. Still I can’t pretend.”🎶

At ‘yun, hindi ko na nga kinayang mag pretend. Hindi rin naging kami.

Sa puntong ‘yun, pakiramdam ko ay parang nakabawi ako sa best friend ko. Ako naman ‘yung kaibigan na talagang hanggang pagkakaibigan lang ang kayang ibigay.

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Pero sa totoo lang, kung magpapakatotoo rin naman ako, noong panahon din kasi na ‘yun, medyo may ini-entertain na rin akong infatuation to another guy – si Kuya – isang kaibigang mas matanda sa akin ng limang taon.

Nagsimula ‘yun noong makilala ko siya sa isang organization at eventually ay naging churchmate kami. Crush ko si Kuya. Pero ‘yung tipong on and off na crush. Naisip ko kasi noon, hindi naman niya ako papatulan kasi bukod sa mas bata ako, eh mataas din ang standards niya. Isa pa, we were taught in that organization to wait for the right timing para sa love. Kaya kinimkim ko na lang ang nag-i-spring na damdamin ko.

🎵“So I hid inside til I almost died, yes I hid inside and I cried…”🎶

Hanggang sa gumraduate na ako at mas naging close na rin kami. We would text, exchange conversations, minsan may sweet nothings (pero sa akin may meaning). Tumagal pa ng ganun hanggang sa lumalim na yung sa akin at feeling ko, hindi ko na kayang i-contain kaya naman nilakasan ko na ang loob ko.

Oo. Umamin ako. Nagtapat. Tapos hayun, nabasted.

‘Yung inakala kong mutual understanding namin ni Kuya, misunderstanding pala. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Feeling ko, daig ko pa ang desperada. OA… Pero, basta. Nakakahiya talaga.

Pero naka move on din naman ako. Wala naman akong choice, actually. But that incident taught me a very important lesson. May tamang procedure pala kasi dapat, bukod sa tamang timing.


Ano ba ‘yan, ang haba ng istorya ko ‘no? Konti na lang…

Pagkatapos ni Kuya, tumibok na naman ang napaka mapanlilang kong puso. Kay officemate, churchmate, apartmentmate (as in literal, the guy next door). Lagi kaming magkasama. As in, umaga, tanghali at hapon. Sabay pumasok sa opisina, sabay kumain ng lunch, sabay umuwi, sabay umattend ng church activities, sabay mag ministry at sabay magsimba. We shared a lot of things, opinions, views and even general dreams.

Ang totoo, okay na sana. Isa lang ang problema – may girlfriend na siya. Malayo nga lang, pero meron. At matagal na sila.

No choice. Pigilin ang sarili.

Kaso, pasaway din siya. Habang nagpipigil ako, nagpapa-cute naman siya. He was so concerned and caring and complementing. He made me feel that he felt something special for me too. And he almost admitted it. He even said that he was starting to be confused of his feelings.

Dalawang kanta ang favorite ko noon:

🎵“Why can’t it be, why can’t it be the two of us. Why can’t we be lovers, only friends? You came at the wrong place at the wrong time, or was it me?”🎶

saka

🎵“I don’t wanna run away, but I can’t take it, I don’t understand. If I’m not made for you then why does my heart tell me that I am?”🎶

Pero kahit parang okay na sana, at maganda na sana, dumating din kami doon sa totoo.

May isa pang C that would describe him – he was already committed.  At kahit sinabi pa niyang confused siya, luminaw din. Dahil sa dulo, noong dumating ang girlfriend niya at nagka-kumprontasyon kaming tatlo, dineny niya ako. Oo. Kung kanina sinabi kong pakiramdam ko ay daig ko pa ang desperada, sa puntong ‘yun, totoo na talaga. Dinaig ko pa ang desperada.

Bukod sa hiyang-hiya, ang sakit-sakit ng pakiramdam ko. Para akong naisahan. Pinigil ko naman eh. Tapos siya ‘yung nag lead sa akin dun. Tapos sa dulo ay ilalaglag lang ako bigla. Pero kasalanan ko rin naman kasi hinayaan ko.

Another lesson learned: “The heart is deceitful above all else and is beyond cure.” Wag kang magtiwala sa pakiramdam mo lang. Magtiwala ka sa kung ano ang totoo. Kapag mali, mali. Huwag mo nang ipilit na gawing tama.


Basag na basag ang puso ko noon. It took quite a while for it to mend. Pero sa totoo lang, kahit paano ay medyo proud din naman ako. Kasi parang ang motto ko sa buhay eh try and try until you succeed. Kahit pa paulit-ulit ako sa grade one pagdating sa love, sumusubok at sumusubok pa rin ako. Kahit na nasasaktan, pinipili ko pa ring magmahal.

I was at the prime of my career at sinusubukan kong mag focus nang dumating ang isa pang Kuya. As in super kuya dahil 10 years ang age gap namin. Ang saya lang kasi mas mature siya. Mas malalim. Niligawan niya ako at naging kami. Ok naman sana. Kaya lang, we had the right love at the wrong time. Na pressure ako. Handa na siya sa next level of relationship, ako hindi pa. Marami pa akong gustong gawin at gustong marating. Hindi pa ako handang mag-asawa. May pending scholarship application pa ako abroad, bread winner pa ko, bata pa ko, at iba pang dahilan.

Hindi siya nakapaghintay. Binreak niya ko.

Masakit ulit. Totoo.


For two and a half years, ipinahinga ko muna ang puso ko, or actually, kung aamin ako ulit, yung dalawang taon at kalahati na ‘yun eh ginamit ko rin para ipaghintay sa kanya. Iniisip ko, kapag ready na ako, baka balikan niya ako at maging okay na ang lahat. Pero hindi pala ganun ang nakaplano para sa akin.

Habang pinapahinga ko ang puso ko, dun ko rin mas na enjoy yung Love na meron ako.

I was indeed graced to realize that all this time, after all these heartbreaks and heartaches, there is Somebody who never stopped loving me. Bawat subok at bawat lagpak ko, andun Siya. Hindi Niya ako iniwan o pinabayaaan. Sa lahat ng kakulitan ko at kapasawayan pagdating sa aking puso, hinahawakan lang Niya at patuloy itong binubuo.

He still preserved me and never gave up on loving me.  Para bang kinakantahan Niya ako:

🎵“Nothing’s gonna change My love for you, you ought to know by now how much I love you. One thing you can be sure of, I’ll never ask for more than your love.” 🎶

Matapos kong paulit-ulit na sinubukang ibigay sa iba ang pagmamahal na ‘yun at nasayang lang, may Isa palang naghihintay na karapat-dapat kong paglaanan – si God. Si Jesus. All He wanted all this time is for me to really TRUST Him – His ways, His plans and His timing. I felt ashamed, not that I didn’t trust Him, pero ‘yung parteng ito ng buhay ko, eto ‘yung aking weak spot na parang paulit-ulit na lang akong remedial at hindi ko maipasa-pasa. I felt so unworthy and helpless pero sabi Niya:

🎵“I’ll be there for you if you should need Me, you don’t have to change a thing, I love you just the way you are…”🎶

Nagising ako. I finally understood who I really am and the love that I am worth. Dahil ‘yun mismong Source of Love and Love Himself, ang nagmamahal sa akin. And so I did it. I gave it to Him. Two and a half years after my last relationship, I finally abandoned my hope na balikan ako ni Ex at ibinigay ko kay Jesus ang puso ko at  ang karapatan na magsulat ng love story ko. And I said, “Lord, magtitiwala po ako at maghihintay.”


‘Yun lang pala ‘yung hinihintay Niya.

Dahil ilang buwan lang pagkatapos noon, ibinigay na rin Niya. God has finally blessed me with that someone who made me realize why and even made me thankful that it never worked out with anyone else.

He was just the one for me. Tamang timpla. Tamang procedure. Tamang timing.

In less than three months as I write this blog today, I am marrying that someone that God has hand-picked for me. And I’m just so grateful. Iniimagine ko na habang lumalakad ako patungo sa altar papunta sa kanya ay ito ang kanta:

🎵“Ikaw, ang pag-ibig na hinintay… Puso ay nalumbay nang kay tagal ngunit ngayo’y nandito na ikaw, ikaw… Ang pag-ibig na binigay sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko, ligaya’t pag-ibig ko’y ikaw…”🎶

———-

Indeed, the love that has found her became the ultimate tool for her to value her worth as a woman, which eventually brought her in the arms of her “the one”. Congratulations in advance, girl! Stay in love and continue to honor God as the center of your relationship! ❤


About the Author:

Pen Name: JALMA
Nickname: Secret
Second Love: Cooking
First Love: Eating
Fourth Love: Reading
Third Love: Writing

What Her Mom Says About Her: She’s pretty.
What She Says About Her Mom: She’s lying (just like any other moms) 😂

Hmmmm… I am JALMA, an ordinary girl who simply believes that Jesus Always Loves Me Anyway!

Advertisements

2 thoughts on “The Playlist Of My Heart

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s