Ask Me

Ask Rhea Angeline 03

Screenshot_2016-06-29-10-30-46-1

Via ask.fm/angelien_0625:

Ano ang iyong pinaka-kinatatakutan?

Falling. 🙂

Saan mo nakikita ang iyong sarili sa susunod na 10 taon?

Ang June 29, 2026 ay Lunes so nakikita ko ang sarili ko sa opisina. Hahaha. Kung hindi naman eh either nasa bahay ako bilang isang housewife o naglalamyerda ako sa ibang bansa. Haha.

Nginingitian mo ba ang mga taong hindi mo kilala? Bakit o bakit hindi?

Depende sa tao. If it is someone from the same organization like office, church and the like, normal akong ngumingiti at bumabati. But if total stranger sa public place, kung wala namang pagkakataon eh hindi. 🙂

Ano ang gagawin mo sa iyong 15 minutong kasikatan?

Ayoko talaga ng kasikatan bilang mas gusto ko nga ng tahimik na buhay at malayo sa showbiz. Haha. Pero kung 15-min lang naman eh siguro tatlong minuto kong pasasalamatan ang pamilya at mga kaibigan at kung sinuman o anuman ang dahilan ng aking kasikatan; anim na minuto ay ibabahagi ko ang aking buhay at mga natutunan sa buhay na magsisilbing inspirasyon sa mga makikinig; tatlong minuto upang purihin at pasalamatan ang Diyos at tatlong minuto para sa mga gustong magpa-picture. LOL.

Naniniwala ka ba sa pag-ibig?

Naniniwala pa naman, so far. 😛

Ano ang paborito mong kasinungalingan?

Gosh ang hirap nito. Ibubulong ko na lang sayo. Though I’m working on it, mga limang araw na siguro. Haha.

Ano ang hinding-hindi mo malilimutan kay…

Kay Song Joong Ki? Yung pagtakbo niya papalapit sakin sa gitna ng warzone at pagtali ng sintas ng sapatos ko. LOL.

Wala na ba talagang pag-asa? Hahaha!

Meron pa. Umaasa akong babalik pa siya. Ang dating waist line ko. Ang collar bone ko. Don’t stop me from making asa. HAHAHAHAHA.

Pumili: Mapaso ang ngala-ngala mo o mahiwa ang daliri mo mula sa papel?

Paper cut na lang. Mas madaling maghilom ang external pain than the wound deep within. 🙂

Ano ang isang biyaya na gusto mong ibigay sa iyo ng isang tao?

Ang kapatawaran sa mga kasalanang nagawa ko, sinadya man o hindi. 🙂

Mayroon ka bang hindi makakalimutang litrato ng nakaraan? Mag-post ng litrato.

Familia Sagrada. Sa tuwing malungkot ako, hinahanap ko lang ito. Natatawa pa din ako kahit limang na taon na ang nakalipas. Hahaha.

134424_1243025173513_3998421_o

Mas gugustuhin mo bang magsuot ng damit na pang-snow sa disyerto o nakahubad sa Antartica?

Mas gugustuhin kong matulog kaysa sagutin ang tanong na ito. Mas productive pa ‘yun. 🙂 Kaso sumagot pa din ako. 😦

Sinu-sino ang mga paborito mong taong sinusubaybayan sa Instagram?

Choi Sulli, G Dragon, Sandara Park, Kim Heechul, Lee Dong Wook, Nicole Andersson & Laureen Uy. 🙂

Ano ang isang bagay na palaging nagpapasaya sa iyo? Mag-post ng litrato!

Bagay talaga? Basically pagkain. Here’s my favorite! 😀

ice cream

Alin ang paborito mong pares ng sapatos? Mag-post ng litrato!

Itong rubber shoes. Bukod sa comfy, favorite colors ko. 🙂

shoes

<<< Ask Rhea Angeline 02

Ask Rhea Angeline 04 >>>

Advertisements

2 thoughts on “Ask Rhea Angeline 03

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s