Prose & Poetry

Maine’s Poem To Alden

Wasn’t able to watch AlDub for so long until this noon. The part where Maine, in her teary-eyed facial expression read her written poem to Alden left me both overwhelm and dying of kilig. I agree with the other hosts of Eat Bulaga in Broadway when they asked, “Kalye Serye pa ba ito?” and “Aktingan pa ba?”

Seriously, I never felt Divina. I just felt the real Maine Mendoza, speaking her heart out, being honest with all her doubts and fears and courageously overcoming whatever and whoever is questioning her feelings.

So real. So brave.

received_1008443999214098

Sino ka nga ba at paano mo masasabi na ikaw ay naiiba?

Ano nga ba ang papel mo sa mundong ito?

Ano nga rin ba ang papel mo sa buhay ko?

Iyan ang mga bagay na tinatanong ko sa aking sarili

Madalas nga ay hindi ako mapakali

Sa dami ng bumabagabag sa aking isip

May mga oras na sumasakit na ang aking dibdib

Sabi ng iba ay hindi ikaw ang karapat-dapat

Humanap daw ako ng iibig sa akin ng sapat

Kaya dapat daw akong maging maingat

Pero sino ba sila para magdikta kung sino ang nararapat?

Inaamin kong ako’y takot na mahulog sa isang tulad mo

Ngunit alam ko na darating ang araw na kinatatakutan ko

Pero ano nga ba ang magagawa ko?

Tila ang loob ko ay unti-unting nahuhulog sayo

Tinatanong ko ang aking sarili kung ikaw ba’y aking gusto

Ngunit ang isip ko’y nagsimulang magtalo

Maaaring “hindi” ang bulong ng isipan ko

Pero nararamdaman ko na sigaw ng puso ko ay “oo”,

May mga oras na isip ko’y gulong-gulo

Sapagkat hindi ko na malaman kung alin ba ang totoo

Hindi ko kailanman pinlano na magkagusto sa iyo

Hindi ko rin alam kung tama bang sundin ang puso ko

Alam mo ba na mahirap kang basahin?

Kaya tila bang kay hirap mong mahalin

Sa takot na baka hindi mo ako saluhin

Ayos lang, basta’t kailanman wag mo akong lolokohin

Ninanais kong malaman ang tunay na laman ng puso ko

At magbakasakali kung pangalan mo ba ang sinisigaw nito

Nais kong malaman ang tunay kong halaga sayo,

Pero ako ay natatakot na malaman ang totoo,

Tila sa puso ko ikaw lang ang aking nakikita

Dapat na bang aminin aking sinta,

Tama bang sabihin sa iyo?

Tamang panahon na lang ang hinihintay ng puso ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s