Ask Me

Ask Rhea Angeline 02

Screenshot_2015-10-18-20-18-39

Every Wednesday, the Philippine Singles Association is implementing the #‎AskPSA program, which serves as an instrument to know each member deeply. We are featuring one member each week and just yesterday, November 11, we had an #AskRhea activity.

1. Pres, ano sa tingin mo ‘yung pinakamalaking naituro ng buhay sa’yo? ‘Yung tipong mapapatigil ka tapos maiisip mong, “Buti na lang ngayon alam ko na.”

I learned that relationships are very fragile. 🙂

2. Pres, ano ‘yung pinakanakakainspire na experience mo (testimony) na pwede mong i-share at sure na makakabless ng mga makakarinig nito?

Definitely the turning point of my life to date, my story, Exhibit A. Have you read that?

3. Bakit naging fave mo ang CBTL?

Lately lang ako nag-CBTL. First drink na natikman ko ay Iced Cold Double Chocolate. ‘Yung coffee-based without whip cream. Eh ang sarap kaya. Tapos libre pa. 😛

4. If your life is a song, what would be the title and why?

Warrior Is A Child. Because I’m a fighter and a strong woman as seen by other people, yet I am actually vulnerable and weak. It’s just that someone up there is sustaining me with my needed strength and filling me with pure joy, unconditional love and unimaginable peace.

5. Pres, ano ang pinakamagandang payong maibibigay mo sa mga gustong pumasok sa isang relasyon?

If you’re a man, love the woman. If you’re a woman, submit to the man. As long as you have an issue with submission, do not commit. 🙂

6. Ano’ng hayop ang kinakatakutan mo?

Ayoko sa reptiles. Butiki lang yata ang kaya kong tingnan at lapitan. Ayoko din sa flying ipis (if considered hayop).

7. Ano’ng pagkain ang hindi mo kinakain, na kahit anong mangyari hindi mo talaga kakainin?

I’m not a fan of veggies. Pinaka ayaw ko ang beans. Baguio beans, sitaw, green peas, etc. Pero ‘yung as in hindi ko kakainin i guess ‘yung cultured worms. ‘Yung nagalaw pang worms. Mga exotic food ganun. Hanggang palaka lang ako.

8. So ano ang goal ng PSA? Why PSA?

PSA is established (1) To empower the singles; (2) To share inspirations, learning and encouragement amongst each other; and (3) To get in with the main intent of getting out.  By the way, I am not the founder of PSA. I’m just a forcely-appointed President. Do you want to become the next president? Haha. Mag-eend ang term ko kasabay ni PNoy. 🙂

9. So kelan aalis? Pag double na? May despedida? Haha.

Haha. Force evicted ka pag hindi ka na single. Magiging parte ka na ng honorary PSA alumni. Definitely we will be happy for you. 😀

10. Papunta ka somewhere. Nakasakay ka sabihin natin sa bus na tatakbo for at least 8 hours. And you found out na makakatabi mo si EX. Wala kang choice na lumipat o bumaba o matulog o manahimik o kahit ano basta makikipag-usap ka. No excuses. Haha. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

“Uy. Kumusta ka?”

11. (Same scenario actually. Haha.) Papunta ka somewhere. Nakasakay ka sabihin natin sa bus na tatakbo for at least 8 hours. And you found out na makakatabi mo si OFFICE MATE. Wala kang choice na lumipat o bumaba o matulog o manahimik o kahit ano basta makikipag-usap ka. No excuses. Haha. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

“Do you know God’s way to heaven?” LOL. 8 hrs. Ang hirap. Both kay ex at office mate, I guess part of the 8 hrs eh matutulog kami pareho. Definitely I will talk to both of them. I guess si ex makikipag-exchange ng conversation. Anything under the sun except topic about past and lovelife. LOL. Not sure about office mate tho kung i-eentertain niya ako. Pero I will make the first move to reach out. I guess it’s harder on their part to make the first move kasi sila ‘yung may kasalanan sa akin. Hahaha.

12. Bakit ka nagaccountancy?

Actually hindi ko alam na may course na Accountancy. Inosente akong bata noon. Ang alam ko lang na career eh nurse, doctor, engineer, teacher, etc. Then my dad told me na sa 5th floor ako mag-enrol. Haha. The rest is history.

13. What’s the etymology of your name (bakit yan ang pinangalan sa iyo)?

Read 31 Facts About Rhea Angeline. Andun siya sa #1 actually. Haha. Well anyway, it was taken from the names of my two grandmas. On mother’s side, Regina. On Father’s side, Anselma.

14. Ano ang pinakamalayong lugar na napuntahan mo sa Pinas? Sa abroad?

Hindi ako magaling sa geography. Ano ang mas malayo from Manila between Davao and Cagayan de Oro? Sa abroad, I’ve been to Singapore, Hongkong, Vietnam, Cambodia and Thailand. Again, hindi ako maalam sa geography. Hahaha.

15. Sino ang iboboto mong president this 2016 election? Why?

To date, wala pa akong napupusuan. Definitely ang iboboto ko eh ‘yung pinakakarapat-dapat sa kanilang lahat in terms of competency and integrity.

16.  Sino sa PSA ang napipisil mong karapatdapat pumalit sa iyong pwesto? Bakit?

Nais ko sana na ang pumalit sa akin ay isang lalaki, bilang ang mga babae ay kailangang masanay magsubmit sa authority ng isang lalaki. HAHAHA. But still, we need to check the competency and integrity of the person at ang ultimate qualification na dapat eh single siya. Sa pagkakatanda ko eh may nag-signify na daw na mag-i-stay siya sa PSA ng 5 years minimum. HAHAHA. Tingin ko din naman eh okay lang kay Clauie Belle na manatiling VP. HAHAHA.

17. Pres, kung may isang libro ka lang na pwedeng basahin forever, ano ‘yon?

Not to sound too religious but I guess it’s the Bible. Kasi it’s the only book that I can refer to whatever situation or circumstance I’m into. Kumbaga sa manual ng isang cellphone, I need to always go back to the manual written by my maker. So kung forever ang tanong, eh Bible lang talaga ang applicable. 

18. Anong favorite mong movie? Kung ‘di makapili ng favorite, kahit top three. Hehe.

I love RomCom or action-thrilling-suspense but not horror. Hindi ako mahilig sa tagalog movies. Wala din akong particular movie na as in tumatak sakin. Pag-isipan ko ito ha. Babalikan kita pag may naisip ako. 😀 

19. Kung may chance na gawing movie ang buhay mo, anong theme song?

LOL. Depende sa tema ng movie. Kung tungkol sa pag-ibig, pwedeng ang theme song ay Someday by Nina. 😛

20. Ano’ng pinaka-hate mong gawaing bahay?

Ang pinaka-ayaw ko ay maglinis ng banyo. HAHAHA.

21. Ano’ng pinakagusto mong gawaing bahay?

Ang pinakagusto ko ay maghugas ng pinggan o maglaba. Something connected sa tubig para malamig.

22. Paano magmahal ang isang Rhea Angeline?

NAKO…… Hindi ko sigurado ha… Pero ngayon I guess, kung pipilitin ninyo akong pumasok sa isang relasyon eh madami kong reservations. I mean, malamang eh hindi ko maibibigay ang buong tiwala at pagmamahal ko, which makes me think na hindi pa talaga ako ready na magmahal muli.

23. Madam President Rhea Angeline, kape o tsokolate?

Tsokolate. Acid reflux eh.

24. Pres, alin sa mga bansang napuntahan mo ang pinakamaganda? O babalik balikan mo?

Babalik ako sa HK this month with a different set of companions. 🙂 For me ang pinakamaganda ay Cambodia, getting out from the busy city and seeing the temples. 🙂

25. Pres, what’s your philosophy in life?

● The past does not define me. It could either build me up or tear me down. The choice is mine.
● The question is, “Am I making a difference in the present?”
● I don’t have to worry about my future. I know who’s holding it.

26. Pres, what would you prefer: nature tripping or city night life? 🙂

Nature tripping. Calm & relaxing.

You may also ask me anything anytime at ask.fm/angelien_0625 or send me an email at angelien_0625@yahoo.com.

<<< Ask Rhea Angeline 01

Ask Rhea Angeline 03 >>>

Advertisements

17 thoughts on “Ask Rhea Angeline 02

    1. HAHAHA. Ang tanong kasi eh, “Ano ang sasabihin mo?”
      It will start sa “Uy, kamusta ka?” from me. Then tuluy-tuloy na conversation na ‘yun. HAHA. Tho hindi ko kaya ang 8 hours haller.

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s