Life Lessons · Relationships

The Stages of Moving On Version 2.0

Sabi ng marami, “Pag mahal ka, babalikan ka.” Pero hanggang kailan ka aasa? Hanggang kailan ka maghihintay? Paano kung may mahal na siyang iba? Kailan magiging handa ang puso mo na magmahal ng iba? Kailan mo siya makakalimutan at kailan bababa ang presyo ng matrikula? Eh kailan naman kaya tataas ang value ng stocks? Oy ah, nakakalokang ghost month na ‘yan ah.

Ang sabi naman ni Tita Witty, “Pag may matinding problema ka, itulog mo na lang muna. Paggising mo, may problema ka pa din. Pero at least, hindi ka puyat.” O ‘diba, mas may point siya.

Hay love life, isa kang malaking joke at ako ang punchline.

Ladies and gentlemen, as inspired by Tita Witty, I proudly present to you The Stages of Moving On Version 2.0! Ala Laida Magtalas: Braver, Bolder, Fiercer!

I. The “It’s Not You, It’s Me” Stage (DENIAL). Ito ay kilala din sa tawag na “I Need Space” stage. Ito ang panahon na hindi mo maintindihan kung ano ang nangyari kung bakit bigla na lang niyang gustong makipaghiwalay sa’yo. Tila bigla na lang syang nagka-midlife crisis. For whatever reason, hindi ka na niya mahal, FYI. Pasensiya na, pero kayong dalawa, cannot be. Ito ang panahong iiyak ka ng madami. ‘Yung mamumugto ng sobra ang mga mata mo. ‘Yung ang lagkit-lagkit na ng mga pisngi mo. Pero ‘diba nga, “If you love someone, set him free. If he doesn’t come back, he was never yours.” Hindi ka ba nakatanggap ng quote na ‘to nung Nokia pa ang phone mo? Gayunpaman, hindi siya kagwapuhan para pag-aksayahan mo ng luha. Maligo ka bukas. Hindi sa lahat ng bagay eh puso ang ginagamit. Meron din tayong utak na pwedeng gamitin paminsan-minsan. Hamo, bukas makalawa, may makakatabi kang mabait at mabango.

II. The “There’s A Danger In Loving Somebody Too Much” Stage (ANGER). Ito ang panahong umaasa ka na isang araw ay babalik siya at yayakapin kang muli. Pero dahil parang walang development, mananaig ang pait at galit sa puso mo from time to time. Tapos ‘pag nahimasmasan ka na, magsosorry ka ulit at magpapakabait sa harapan niya. Maglalaban ang emosyon mo kung gusto mo ba siyang bumalik sa’yo o gusto mo na ba siyang makalimutan. Ito ang stage kung saan matututunan mong mag-stalk sa mga social networking accounts niya. Ang payo ni Tita Witty, ‘wag kang masyadong magliwaliw sa facebook niya. ‘Wag mong bigyan ng meaning ang posts niya, hindi yun tungkol sayo. Kung ni-like man niya ang picture mo sa instagram, KALMA. ‘Yung picture lang ang like niya. Hindi ikaw. Oo syempre naman, namimiss ka din niya. Pero ‘wag mo muna siyang isipin, try mo lang. Hindi nakamamatay. Mas maigi kung buburahin mo ang number niya sa cellphone mo. Oo, alam kong kabisado mo ang number niya, pero ‘wag mo na siyang itext. ‘Wag mo na siyang kausapin. ‘Wag mo na siyang alagaan, malaki na siya. Habang heartbroken ka, mag-aral kang magluto, o mag-drive, o kaya pottery. Hindi mo pa rin siya makakalimutan pero at least, may bago kang alam. Bakit ba kasi atat na atat kang malimutan siya? May taxing naghihintay, te? Ito din ang panahon na maaaring lumakas ang gana mo sa pagkain. Hinay-hinay lang sa lechon. Last supper mo na ba? Para hindi masyadong tumaba, maghagdan ka hanggang 10th floor. Ah, so hanggang 5th floor lang ang office mo? So pa’no? Ako pa ang mag-aadjust?

III. The “Sana Ako Na Lang, Ako Pa Rin, Ako Na Lang Ulit” Stage (BARGAINING & DEPRESSION). Ito ang panahong kinakanta mo sa isip mo ang official soundtrack ng Sana Maulit Muli starring Aga Mulach and Lea Salonga. Maaaring makita mo silang magka-holding hands sa mall, sweet na sweet. Ano? Tatawag na ba tayo ng pulis? He only sees you as a friend now. ‘Wag kang masyadong malungkot. Buti nga hindi as kapatid. Dahil sa mga pangyayaring ito, iwasan mong manood ng One More Chance. Alam kong paborito mo si John Lloyd. Hindi ka nga nauubusan ng stock ng Biogesic ‘diba? Ngayon may caplet na! Pero girl, hindi mo kasing ganda si Basha. Kahit mag-wig ka pa ng gaya sa kanya. Teka, akala ko ba matalino ka? Eh bakit siya pa din? Naipaalam na ba sa Santo Papa ang kamartiran mong ‘yan? Hamo, itinatayo na ang dambana ng kamartiran mo. Invited ka sa ribbon cutting. Hay, nakakaloka ka. Pwede, ‘wag ka naman umasa, for a change? Kalimutan mo na siya. Hiyang-hiya na si Romeo at Juliet sa katangian mo. Repeat after me: HINDI. KO. NA. SIYA. MAHAL. Louder. HINDI. KO. NA. SIYA. MAHAL.

IV. The “Happiest Moment: May Mahal Na Siyang Iba Pero Hindi Siya Mahal” Stage (ACCEPTANCE). Ito ay kilala din sa tawag na “Happiest Moment: May Mahal Na Siyang Iba Pero Mataba Yung Girl” o kaya’y “Happiest Moment: May Mahal Na Siyang Iba Pero Hindi Maganda Yung Girl”. Ito ang panahong halos wala ka nang pakialam sa kanya. Hindi naman sa natutuwa kang miserable ang buhay niya pero kung papipiliin ka, ang makita siyang muli o masagasaan siya ng pison, gaano kabigat na pison ang gusto mo? At ilang beses? Ito din ang panahon na kung kailangang-kailangan ng tulong ng ex mo at ikaw lang ang makakatulong sa kanya, saan ka manonood ng sine? At anong movie? Kung ipinagpalit ka sa pangit o masama ang ugali, definitely, hindi ka maiinsulto. True love ang tawag dun. Ang iisipin mo lang, magkaka-anak din sila ng pangit. Sa stage na ito, tanggap mo nang hindi lahat ng mamahalin mo ay mamahalin ka. Papayat ka rin at dudurugin sila.

V. The “You’ve Made Me Stronger By Breaking My Heart” Stage (RECOVERY). “Eh bakit ang blooming mo?” ‘Yan ang palaging maririnig mo sa mga kaibigan mo sa stage na ito. Yes. True. Ang ganda mo everyday. Dahil ang katulad mo, hindi dapat sinasaktan ng ganyan. So, go! Get up na, girl! At magmahal muli! Ito din ang panahong may nagpaparamdam na sa’yo. O baka naman nagpaparamdam ka na din sa kanya ha? Hala! Don’t tell me kayo na? Naku ah, hinay-hinay lang sa bilis sa pagreply sa mga texts niya. Kung ako sa’yo, ‘wag kang magdala ng payong bukas. Makisukob ka. Para-paraan lang ‘yan. ‘Yung ex mo, minsan mo na lang siya maaalala. Actually, babatiin mo siya ng Happy Valentines Day pero send to many ‘yun. At ‘pag nagtext siya ulit at gustong makipagkita sa’yo, isa lang ang sagot diyan, “Neknek mo.”

Kapag nasa recovery stage ka na, ‘wag mong kakalimutang mag-file ng leave at mag-celebrate tuwing August 6, Moving On Day. Congratulations sa’yo! For your maintenance, i-print mo ng 5 copies ang “The Umiibig Nang Wagas Creed” sa ibaba. Gupitin at idikit sa notebook, sa mesa sa opisina, sa salamin sa banyo, sa kisame sa ibabaw ng kama at sa pintuan ng main door. Kabisaduhin, namnamin at isapuso. 😀

ctto: twitter.com/titawitty
ctto: twitter.com/titawitty

[ Most of the statements were taken from Witty Will Save The World Instagram account: @titawitty. Para maka-move on ng mas mabilis, bumili ng The “Ayoko Na Siya Isipin, Busy Ako” Notebook. Dalawahin mo na para sigurado ka! 😀 ]

“You’re too pretty for him” daw. Natatawa ako. Hihihi. 🙂 – @angelien_0625
Advertisements

46 thoughts on “The Stages of Moving On Version 2.0

    1. Don’t get too serious about it, boss. If you’re watching kalye serye, you’ll definitely know what it means. No debate needed, just pure fun. 🙂 Thanks for the read, by the way. 🙂

      Like

  1. Exactly, ‘you’re too pretty for him’ kaya wag syang pag-aksayahan ng oras. Tingin sa paligid at namnamina ang mga magagandang bagay na hindi sya kasama. Tsaka girl magpaganda lalo kasi iba ang satisfaction. 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s