Prose & Poetry

Tamang Pag-ibig Sa Maling Panahon, Tama Nga Ba?

image

Babae:
Pag-ibig bang maituturing kung naramdaman sa hindi tamang panahon?
Na ang puso’t isipan ay nakakulong pa sa kahapon?
Sa tuwing maaalala, takot ang nananaig.
Sakit at poot na dulot ng nakaraang pag-ibig.

Ang magmahal muli ay hindi pa kayang subukan.
Sa bawat pag-ikot ng mundo sarili’y puno ng pag-aalinlangan.
Ang kalayaang inaasam, kailan kaya makakamit?
Ang tanging kahilinga’y makalimutan ang pait.

Lalake:
Pag-ibig bang maituturing kung naramdaman sa hindi tamang panahon?
Kung ang puso at isipan ay hindi sigurado kung saan paroroon?
Sa tuwing iisipin, lungkot ang nananaig.
Sakit at poot na ibibigay ng gustong pag-ibig.

Ang magmahal ng wagas ay hindi kayang umpisahan.
Sarili’y puno ng pagkalito sa bawat galaw ng orasan.
Paano nga ba ang umibig nang hindi nasasaktan?
Paano nga ba ang magmahal nang magpakailanman?

Babae:
Tunay ngang masaya sa tuwing ika’y kasama.
Ang puso ay tila tumatalon sa tuwing kausap ka.
Ngunit ano na lamang ang sasabihin ng iba?
Hindi ko maatim na tumanggap ka ng panghuhusga.

Lalake:
Paggising sa umaga, ikaw ang naaalala.
Sa bawat araw na nagdaan, ninais kong protektahan ka.
Tanging hiling ng damdamin, ikaw ay makasama.
Ngunit hindi kakayanin kung bukas ay iiwanan kita.

Lalake at Babae:
Pusong walang lakas.
Pusong walang katapangan.
Pusong ipinipilit na manatiling magkaibigan lamang.
Pusong hindi kayang aminin ang tunay na nadarama.
Pusong nagtatanong…
“Tamang pag-ibig sa maling panahon, tama nga ba?”

………………………………………………………………………………..

Bilang pagtugon sa hamon: The Great Challenge

Advertisements

20 thoughts on “Tamang Pag-ibig Sa Maling Panahon, Tama Nga Ba?

  1. Sa panahon ngayon, panahon o oras na lang ang kalaban ng mga tao. Ika nga nila, “Kelan pa naging mali ang magmahal?”. Sumusunod na lang tayo sa oras na ating kinabibilangan. Hehe. Nagsasabi lang po.

    Liked by 1 person

  2. Naalala ko bigla yung kanta ni Sam Milby at Say Alonzo. Magmahal Muli yung title ๐Ÿ™‚

    Pero kaya sugal ang pag-ibig diba Pres? Kasi the higher the risk the higher the return.

    Pero mas naniniwala ako sa walang tamang panahon na dapat antayin, kailangan gawin mong tamang panahon. Kailangan magsikap para maging tamang panahon ๐Ÿ™‚

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s