Life Lessons · Relationships

Kutsara At Tinidor

image
ctto: aliexpress.com

Kutsara at tinidor – ‘yan ang naisip naming souvenir noon sa aming kasal. Bukod sa mahilig kaming kumain, naniniwala kami na ang kutsara at tinidor, kapag magkasama, ay magbibigay ng kaginhawaan sa pagkain.

Huli na nang maisip kong hindi sa lahat ng panahon ay kailangan ng kutsara ang tinidor. Halimbawa, ang pagkain ng paborito kong sopas o lugaw. Tamang-tama sa malamig at maulang hapon. Gayundin, hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan ng tinidor ang kutsara. Halimbawa na lamang ay ang pagkain ng paborito niyang spaghetti ng Jollibee. Yung madaming hotdog at cheese ha. Samakatuwid, maaaring mag-function ng maayos ang kutsara na wala ang tinidor at vice versa.

Teka, ano ang pinupunto ko?

Madami ang nagtatanong sa akin kung naniniwala daw ba ako sa FOREVER. Isa lamang ang sagot ko dito: “Naniniwala ako na may FOREVER, maaaring hindi nga lang para sa akin.”

Tulad ng kutsara at ng tinidor, masaya pa din naman ang pagkain kahit wala ang isa sa kanila. Kung tutuusin nga, ang pinakamasarap na paraan ng pagkain ay ang nakakamay. Hindi naman ang kutsara o ang tinidor ang bida kundi ang nakahaing pagpapala sa mesa. It’s like living each day focusing not on yourself but on the very purpose why you exist. Oo, ingles para intense. 🙂

………………………………………………………………………………..

Bilang pagtugon sa hamon: The Great Challenge

Advertisements

13 thoughts on “Kutsara At Tinidor

  1. So that is why yun pala ang tanong mo sa ask fm ko. Hindi ko pa din nasasagot.haha mahirap eh. Ala pa kong maisip.haha ok naman pala ikaw magtagalog eh. 🙂 iba pa rin kapag kumakain ng nagkakamay. #culture 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s